Edukasyon at Politika
Bilang isang mamamayan Pilipinas. Napapansin ko ang patuloy na pagdami ng mga batang hindi na nakapag-aaral. At halos nawalan na ng pag-asa sa buhay. Isa ako sa bawat kabataang handing bigyan ng pansin ang suliranin ito ng ating bansa. Ayon sa aking nakikita marami ang mga batang nais makapag-aral ngunit walang sapat na pera upang matustusan ito kung kaya’t marami ang mga batang nagkalat sa lansangan upang maglako ng kanilang paninda. Ngunit sa kabilang dako naman marami rin ang mga kabataang napapariwara at napapabayaan na ng kanilang mga magulang. Sino nga ba ang dapat sisihin sa pangyayaring ito?. Ngayong ako ay nag-aaral na sa kolehiyo marami ang nagsasabing ako ay mapalad at nakakapag- aral. Ito ay magagamit ko sa aking kinabukasan. At makahanap ng isang magandang trabaho. Ngunit paano ang kabataang hindi nakapag-aaral?. Ano na lang ang kanilang magiging kinabukasan? Sa bawat araw na nagdadaraan aking naiisip ang mga batang hindi nakapag-aaral at ang mga nag-aaral ngunit kulang naman sa kagamitan. DAhil sa pagkurakot sap era na dapat sana ay napupunta san g libreng edukasyon. At hindi sa mga taong may kaukulang posisyon na nagsasayang ng pera sa pansariling kagustohan . Nasaan ang pinangako nila noong sila ay nangangampanya para sa kanilang posisyon? Nasaan ang mga nasasabing proyekto para sa edukasyon? Nasaan na ang pagtulong? Ang sakit isiping na hindi nila magampanan ang kanilang tungkulin. Hindi nabigyan ng solusyon ng gobyerno ang mga problemang kinakaharap n gating bansa. Wala ng pakaka-isa.