Taong makapangyarihan, di' dapat gamitin sa kasamaan.
Wala namang matatakot, kung hindi naman sangkot sa isang kasalanan sa ating lipunan. Bakit naman sila matatakot sa isang bagay ng wala naman silang ginagawang kasalanan? 'Yan ang ating gobyerno. May mataas na kapangyarihan para gawin ang mga bagay na ikabubuti ng ating bansa o para sa kanilang sarili lamang?
Maraming masasamang tao sa mundo at ang iba dito ay may kakayahan. Tayo namang mga mamamamayan at simpleng tao lamang ay walang magagawa ukol dito. Kaya dapat lang na ipatupad ang Freedom of Information Bill. "Ang panukalang Freedom of Information Act (FOI) ay naglalayong isabatas ang pagbubukas sa mga mamamayan ng mga pampublikong dokumento. Ibinabalangkas din ng panukalang batas na ito ang mga eksepsiyon sa pagbubukas ng mga nasabing dokumento at mga hakbang para maakses ang mga pampublikong dokumento." -galing sa government site natin sa pilipinas. Dapat ay walang lalabag sa batas at dapat hindi eksepsyon ang pagkakaroon ng mataas na kapangyarihin sa pagsunod ng batas. Paano uunlad ang ating bansa kung ang mismo nating gobyerno na gumagawa ng mga batas ay sila ring mismong lumalabag dito? Dapat may kapangyarihan rin ang mga simpleng mamamayan tulad natin na itama ang mga mali. Dapat ay may kapangyarihan ang isang simpleng mamamayan sa pagtuwid ng daan ng Pilipinas. May karapatan rin tayo.
Bilang katapusan, ang pagbabago at pag-uunlad ng ating bansang, Pilipinas, ay dapat na nagsisismula sa mga taong ang trabaho ay ang pagtatama ng mga mali ng mga mamamayan. Uunlad ang ating bansa kung wala sanang taong ginagamit ang kanilang kapangyarihan bilang pansarili at hindi sa sariling bayan. Ito ang magiging dahilan kung paano magiging transaksyon sa gobyerno ay magiging bukas sa mamamayan. Ang Freedom of Information Bill ay dapat ipatupad o bigyang pansin lalo.